Ok, first-time kong nagluto ng makasalanang Litsong Kawali at aaminin kong na - excite ako at kinabahan. Ang totoo nyan dapat Baked Rosemary Chicken ang gagawin ko kaso naman pagkatunaw nung yelo sa karne, Boom!!! Baboy pala at hindi manok ang balumbon ng nagyeyelong karne sa freezer!
Para di masayang ang baboy na inilabas ko, kinumusta ko muna si pareng Google.
Ako: Hellong pareng Google! Musta ka nman? Favor naman pare, need ko recipe ng litsong kawali, baka kasi masira ung baboy na nilabas ko, yari ako kay Tatay (tawag ko sa asawa ko).
Pareng Google: Eto marami pa rin clients. Tuloy lang negosyo. Litson Kawali? Sureness! Yun lang pala eh. Mamili ka na lang sa kanila ha. Charraaaaaannnn!!!
Ako: Daming Salamat pareng Google! Safe na tenga ko!
Sa dami ng binigay ni pareng Google, ito ang napili kong sundin:
Recipe: Lechon Kawali
Ingredients
2 lbs pork belly
2 tbsp salt
2 tbsp whole pepper corn
5 pcs dried bay leaves
3 cups cooking Oil
34 ounces Water
http://panlasangpinoy.com/2009/03/13/lechon-kawali/
Pagkatapos kong ihanda mga rekado at hugasan ang kaserola at kawaling gagamitin, diretso na sa pagluluto. Tinantya ko na lang ung tubig sabay salang sa stove. Pagkatapos kumulo sabay lagay ng asin, paminta at laurel. Sunod kong inilagay ang liempo at hinayaang kumulo lang ang tubig habang nagbabasa ako ng Fairy Tail manga episode 292. After 30 or so minutes, tininidor ko ang liempo at sa awa nman e malambot na at mabango ang karne.
Ahon time!!!!!
Pagka-ahon ko ng karne, palamig konti then salang ko naman ang kawaling may mantika na animo’y swimming pool para sa mga langgam. Nang maramdaman na ng palad ko na pwede na ang init, excited akong isinalang si liempo and there goes that crackling sound! Ang ganda tingnan ng kumukulong mantikang pinagbababaran ngayon ng karneng ulam ko para sa tanghalian pero alam ko anytime, BOOOM!!! Puputok ang mantika kaya kinakabahan na ako at dahan-dahang lumayo sa mainit na kawali. Nang malayo-layo na ako, mga four feet away, at kasalukuyang kinukutingting ang baked mojo potatoes upang ilagay sa pinggan, isang nakakatakot na pagputok mula sa lugar ng kawali ang ikinagitla ko.
S**t!!! Ayan na nga! Lintik talagang mantika, kapag nkadait sa tubig tlgang sumasabog eh! Ok, takot talaga ako sa pumuputok na mantika. Heller!!! Sino naman kayang matinong tao ang hindi kakabahan e lapnos balat mo pag tinamaan ka!
Matapos ang ilan pang nakakatakot na putukan, may nerbyos na lumapit ako sa kawali and presto, luto na ang isang pisngi ng karne. Oras na para ibaligtad! Gamit ang aming old but trusty tongs, dahan-dahan kong ibinaligtad si karne at umulit na naman ang pagkulo ng langis sa kawali. Nakangiti na ako during this time kasi malapit nang mabusog ang kumakalam kong tyan. Hehheheh!!!
Pagkatapos ng ilang minuto , iniahon ko na ang liempo at ipinatong sa plastik na takip ng Skyflakes (kasi basa pa ung sangkalan namin). Abot ang ngiti sa tengang tinadtad ko ang aking mainit-init na litsong kawali, inilagay sa pinggan at inihain sa mesa.
Yeebaaahh!!! Kainan na!!!
base! congrats sis! Sa iyong bloghay at sa masarap na lechon kawali. Sana lang next time antayin mo naman akong umuwi bago ka magluto niyan. haha
ReplyDeleteraming salamat kapatid. :) hayaan mo paguwi mo patitikimin kita ng aking lechong kawali. Lob u! MMwwahhh!!!
DeleteHohoho. Maligayang pagdating.
ReplyDeleteUnang putahe pa lang, kainan na.
Mabubusog kaming tiyak dito sa iyong bloghay.
Apir!
Apir! Maraming salamat Sir Kuli! Hahhhaha!!!
DeleteMabuhay ang una mong gawa!!! Ipagpatuloy ang nasimulan... kaiya-iya at pagkain ang naging pambungad.... nakakagutom...hay... hay... hay... hehehehehehehehe.. :p
ReplyDeleteuy marami pong salamat!
DeleteSana ganito lagi ang post dito! mapapadalas talaga ang dalaw ko! ahihihi
ReplyDeleteahehehhe!!! wag po kayo mag-alala, mejo mahilig talga ako magkuting2 sa kusina. Pag po may ginawa uli ako, ippost ko dito! Thank you sa dalaw!
Delete