Sunday, July 29, 2012

Ito ang Totoong Stress Reliever!


10:41 ng umaga: oras habang isinusulat ko ang artikulong ito. Medyo natagalan bago ko naipost dahil sa ilang gawaing kailangan kong unahin. Pero dahil sa kagustuhan kong ibahagi sa inyo ang pagpapala na naramdaman ko dahil sa isang desisyong ginawa ko, inihabol ko pa rin kahit 8:45 na ng gabi.


To start the story, Ilang beses na ba nating narinig ang salawikain na ito: “Love your enemies as you love your self”? Napakahirap diba? Dahil kung madali yan, dapat walang World War I, walang World War II, walang civilian unrest sa Afghanistan at walang apartheid sa Africa. Pero dahil sobrang Extra Challenge sa ating mga tao ang mga  katagang yan, bibihira lang ang nagppraktis at kabilang ako sa mga taong yan.


Hello!?! Sino naman kayang taong magmamahal ng kaaway nya? Nung trinaydor ka ba ng bestfriend mo at inagaw ang jowa mo natuwa ka ba? Sinabi mo ba, “Uy friend don’t worry hindi ako galit dahil love kita. Ok lang kahit kayo na ni Papa P ko.”? Syempre hindi, di ba? Malamang-lamang, sinumpa-sumpa mo yung ex-bestfriend mo at ex-jowa mo na sana mamatay na silang dalawa. Or dinasal-dasal mo kay Lord na sana ma-karma sila! It is our defensive reflex. Normal talagang magalit ka sa taong nanakit sa iyo.


Isa pang example, naranasan nyo na ba na mismong magulang, tito, tita, pinsan, kapatid, jowa, kaibigan, kalaguyo o kung sino pa mang close sa inyo ang ang nilait-lait kayo, nilibak, niyurakan, pinagchismisan at inaway  to the point na naramdaman nyo na worthless kayo? Kasi ako, oo. At sobrang sakit sa bangs! Pakiramdam mo nangingimi buong ulo mo, nangangapal at nag-iinit pisngi mo, nanginginig katawan mo at gusto mo talagang manakit ng tao! Sa point na iyon ng buhay ko,  dahil hindi ko kayang lumaban, ang nagawa ko na lang ay umiyak ng umiyak ng umiyak at magtanim ng sama ng loob sa taong iyon hanggang ang nararamdaman ko na lang ay pagkamuhi  sa kanya. Hindi ko siya kayang patawarin, iyon pa kayang mahalin!

But just this very day, nang ito ang naging paksa ng preaching ni Bro. Bo, parang may kung anong nagbukas ng puso ko at tenga ko para pakinggan sya. Para unawain kung bakit ko kelangang gawin yon. At alam nyo ba kung ano ang narealize ko? Na ang gaan pala sa pakiramdam pag nagpatawad ka at nag let go. Iniiyak ko kanina lahat-lahat sa Diyos ang nararamdaman kong galit, sama ng loob at kahihiyan. At natutunan ko ring patawarin ang sarili ko. Alam ko may natitira pa ring bitterness, maaaring may hate pa rin na katiting but at the very least, narealize ko na kelangan kong tanggapin na hindi maganda para sa katawan, utak at puso ko ang di mag-let go ng galit. Na yung galit na yun against my detractors ay hindi nakakatulong sa paglago ko bilang tao. Na at the end of the day, talo ako pag di ako nagpatawad kasi dinadagdagan ko lang ang stress sa buhay ko.



Hindi madali ang proseso na ito pero pwede. Nasa iyo ang pagpili. Nasa iyo ang desisyon. Walang mamimilit sayo dahil ito ay journey ng self-realization. Hindi ko trabaho ang pilitin kang magbukas ng puso mo. Obligasyon mo yun sa sarili mo.  

2 comments:

  1. Imak, may detractors ka pala, ibig sabihin sikat ka. TnT. Wahahaha.

    Ang ganda niyang ginawa mong hakbang. Pampaluwag sa dibdib.

    Magandang halimbawa iyan sa ating kapuwa.

    Mahirap na proseso pero palagay ko posible din, nagawa mo eh at nagagawa ng maraming tao.

    :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mraming salamat Kuya JKul. opo sobrang sarap sa pakiramdam, walang mabigat sa dib2 sa araw2. At mas natututukan ko ang mga importante sa buhay ko imbes na naggagalaiti dahil sa mga sabi2 ng ibang taong hindi naman makakatulong sa akin pag ako ay nagksakit o namroblema. Kelan uli lakad natin dito sa Quezon, miss ko na ang ating camping! Sana may Cagbalete II. Hhahhahaha!!!

      Delete