Sunday, July 29, 2012
Ito ang Totoong Stress Reliever!
10:41 ng umaga: oras habang isinusulat ko ang artikulong ito. Medyo natagalan bago ko naipost dahil sa ilang gawaing kailangan kong unahin. Pero dahil sa kagustuhan kong ibahagi sa inyo ang pagpapala na naramdaman ko dahil sa isang desisyong ginawa ko, inihabol ko pa rin kahit 8:45 na ng gabi.
To start the story, Ilang beses na ba nating narinig ang salawikain na ito: “Love your enemies as you love your self”? Napakahirap diba? Dahil kung madali yan, dapat walang World War I, walang World War II, walang civilian unrest sa Afghanistan at walang apartheid sa Africa. Pero dahil sobrang Extra Challenge sa ating mga tao ang mga katagang yan, bibihira lang ang nagppraktis at kabilang ako sa mga taong yan.
Hello!?! Sino naman kayang taong magmamahal ng kaaway nya? Nung trinaydor ka ba ng bestfriend mo at inagaw ang jowa mo natuwa ka ba? Sinabi mo ba, “Uy friend don’t worry hindi ako galit dahil love kita. Ok lang kahit kayo na ni Papa P ko.”? Syempre hindi, di ba? Malamang-lamang, sinumpa-sumpa mo yung ex-bestfriend mo at ex-jowa mo na sana mamatay na silang dalawa. Or dinasal-dasal mo kay Lord na sana ma-karma sila! It is our defensive reflex. Normal talagang magalit ka sa taong nanakit sa iyo.
Isa pang example, naranasan nyo na ba na mismong magulang, tito, tita, pinsan, kapatid, jowa, kaibigan, kalaguyo o kung sino pa mang close sa inyo ang ang nilait-lait kayo, nilibak, niyurakan, pinagchismisan at inaway to the point na naramdaman nyo na worthless kayo? Kasi ako, oo. At sobrang sakit sa bangs! Pakiramdam mo nangingimi buong ulo mo, nangangapal at nag-iinit pisngi mo, nanginginig katawan mo at gusto mo talagang manakit ng tao! Sa point na iyon ng buhay ko, dahil hindi ko kayang lumaban, ang nagawa ko na lang ay umiyak ng umiyak ng umiyak at magtanim ng sama ng loob sa taong iyon hanggang ang nararamdaman ko na lang ay pagkamuhi sa kanya. Hindi ko siya kayang patawarin, iyon pa kayang mahalin!
But just this very day, nang ito ang naging paksa ng preaching ni Bro. Bo, parang may kung anong nagbukas ng puso ko at tenga ko para pakinggan sya. Para unawain kung bakit ko kelangang gawin yon. At alam nyo ba kung ano ang narealize ko? Na ang gaan pala sa pakiramdam pag nagpatawad ka at nag let go. Iniiyak ko kanina lahat-lahat sa Diyos ang nararamdaman kong galit, sama ng loob at kahihiyan. At natutunan ko ring patawarin ang sarili ko. Alam ko may natitira pa ring bitterness, maaaring may hate pa rin na katiting but at the very least, narealize ko na kelangan kong tanggapin na hindi maganda para sa katawan, utak at puso ko ang di mag-let go ng galit. Na yung galit na yun against my detractors ay hindi nakakatulong sa paglago ko bilang tao. Na at the end of the day, talo ako pag di ako nagpatawad kasi dinadagdagan ko lang ang stress sa buhay ko.
Hindi madali ang proseso na ito pero pwede. Nasa iyo ang pagpili. Nasa iyo ang desisyon. Walang mamimilit sayo dahil ito ay journey ng self-realization. Hindi ko trabaho ang pilitin kang magbukas ng puso mo. Obligasyon mo yun sa sarili mo.
Saturday, July 21, 2012
Pagputok ng Taba, Ilag sa Kaliwa!
Ok, first-time kong nagluto ng makasalanang Litsong Kawali at aaminin kong na - excite ako at kinabahan. Ang totoo nyan dapat Baked Rosemary Chicken ang gagawin ko kaso naman pagkatunaw nung yelo sa karne, Boom!!! Baboy pala at hindi manok ang balumbon ng nagyeyelong karne sa freezer!
Para di masayang ang baboy na inilabas ko, kinumusta ko muna si pareng Google.
Ako: Hellong pareng Google! Musta ka nman? Favor naman pare, need ko recipe ng litsong kawali, baka kasi masira ung baboy na nilabas ko, yari ako kay Tatay (tawag ko sa asawa ko).
Pareng Google: Eto marami pa rin clients. Tuloy lang negosyo. Litson Kawali? Sureness! Yun lang pala eh. Mamili ka na lang sa kanila ha. Charraaaaaannnn!!!
Ako: Daming Salamat pareng Google! Safe na tenga ko!
Sa dami ng binigay ni pareng Google, ito ang napili kong sundin:
Recipe: Lechon Kawali
Ingredients
2 lbs pork belly
2 tbsp salt
2 tbsp whole pepper corn
5 pcs dried bay leaves
3 cups cooking Oil
34 ounces Water
http://panlasangpinoy.com/2009/03/13/lechon-kawali/
Pagkatapos kong ihanda mga rekado at hugasan ang kaserola at kawaling gagamitin, diretso na sa pagluluto. Tinantya ko na lang ung tubig sabay salang sa stove. Pagkatapos kumulo sabay lagay ng asin, paminta at laurel. Sunod kong inilagay ang liempo at hinayaang kumulo lang ang tubig habang nagbabasa ako ng Fairy Tail manga episode 292. After 30 or so minutes, tininidor ko ang liempo at sa awa nman e malambot na at mabango ang karne.
Ahon time!!!!!
Pagka-ahon ko ng karne, palamig konti then salang ko naman ang kawaling may mantika na animo’y swimming pool para sa mga langgam. Nang maramdaman na ng palad ko na pwede na ang init, excited akong isinalang si liempo and there goes that crackling sound! Ang ganda tingnan ng kumukulong mantikang pinagbababaran ngayon ng karneng ulam ko para sa tanghalian pero alam ko anytime, BOOOM!!! Puputok ang mantika kaya kinakabahan na ako at dahan-dahang lumayo sa mainit na kawali. Nang malayo-layo na ako, mga four feet away, at kasalukuyang kinukutingting ang baked mojo potatoes upang ilagay sa pinggan, isang nakakatakot na pagputok mula sa lugar ng kawali ang ikinagitla ko.
S**t!!! Ayan na nga! Lintik talagang mantika, kapag nkadait sa tubig tlgang sumasabog eh! Ok, takot talaga ako sa pumuputok na mantika. Heller!!! Sino naman kayang matinong tao ang hindi kakabahan e lapnos balat mo pag tinamaan ka!
Matapos ang ilan pang nakakatakot na putukan, may nerbyos na lumapit ako sa kawali and presto, luto na ang isang pisngi ng karne. Oras na para ibaligtad! Gamit ang aming old but trusty tongs, dahan-dahan kong ibinaligtad si karne at umulit na naman ang pagkulo ng langis sa kawali. Nakangiti na ako during this time kasi malapit nang mabusog ang kumakalam kong tyan. Hehheheh!!!
Pagkatapos ng ilang minuto , iniahon ko na ang liempo at ipinatong sa plastik na takip ng Skyflakes (kasi basa pa ung sangkalan namin). Abot ang ngiti sa tengang tinadtad ko ang aking mainit-init na litsong kawali, inilagay sa pinggan at inihain sa mesa.
Yeebaaahh!!! Kainan na!!!
Subscribe to:
Posts (Atom)