Sunday, September 23, 2012

DARNA NG BUHAY KO


Kaarawan ngayon ng aking pinakamamahal na Mama. At kahit ngayon na malayo sya sa amin, nais ko sanang ipahatid sa kanya ang aking pasasalamat at pagbati. Nawa ay mapakinggan ng kanyang puso ang aming hiling upang manumbalik ang kanyang sigla. Ma, para po sa inyo ito:


Mahal kong ina, ang puso ko ay tinigib mo ng ligaya
Pagkat iyong pagmamahal ay ramdam sa twina
Kahit pa ang pagitan ng mga puso ay milya-milya
Pagkat ikaw ay nasa Europa at ako’y nasa Asya.

Kaya’t ngayong iyong kaarawan ay muling sumapit
Nais sana’y ngiti sa puso ang syang aking ialay
Pagkat walang maibibigay ngayon sa iyo aking Inay
Kung hindi pagbating galing sa puso ng sa iyo ay nawalay.

Mahal kong ina, wala na akong mahihiling pa
Kung hindi manumbalik ang lakas at pag-asa
Pagkat nais ko sanang ikaw ay makitang maligaya
At aming mapaglingkuran sa tuwi-tuwina.

Kaya’t iyong pagdamutan itong payak na pagbati
Buon Compleanno!!! Mula sa mga labing nakangiti
Nawa’y init ng aming yakap iyong maramdaman,
At sana’y makasama na kita sa susunod mong kaarawan.

Mahal na mahal kita Mama. Kulang pa siguro ang anumang yaman sa mundo upang mapantayan ang iyong mga sakripisyo. Salamat po Darna ng buhay namin. Mmmwwahhh!!!!